Similar topics
    New BARM is on Facebook/Twitter NOW!
    Philippine Standard Time
    Search
     
     

    Display results as :
     


    Rechercher Advanced Search

    Latest topics
    » Kung pagbabatayan ang pagmumukha ni Soriano
    Sun Jan 08, 2017 2:42 am by Teng

    » Survivor...
    Wed Aug 31, 2016 1:00 pm by Esther

    » Guys musta na kayo?
    Fri May 10, 2013 8:51 am by RavlaM

    » iNTRODUCTION
    Thu Jan 24, 2013 6:52 pm by Comb@tron

    » Lets talk about MARRIAGE
    Thu Jan 24, 2013 6:49 pm by Comb@tron

    » Para sa Muslim, Masama bang maging Pedopilyo?
    Tue Jun 19, 2012 4:13 am by viruzol_007

    » DEBATE with VANNIE...
    Tue Jun 19, 2012 3:26 am by harballah

    » DEATH PENALTY
    Fri Mar 16, 2012 11:01 pm by RavlaM

    » Ang katotohanan tungkol sa Iglesia ni Cristo na pekeng iglesia na tatag ni Manalo.
    Wed Feb 29, 2012 7:57 pm by Lito

    » Watch Impeachment trial Live Streaming: CJ CORONA
    Thu Jan 19, 2012 4:02 pm by Disciple

    » Si kapatid na Felix Manalo
    Tue Nov 22, 2011 12:28 pm by Guest

    » Ashampoo Burning Studio v10.0.15 Portable
    Fri Nov 18, 2011 4:19 pm by Dhugz

    » Atomix Virtual DJ Pro v7.0.5 Portable
    Fri Nov 18, 2011 4:11 pm by Dhugz

    » Constitutional Crisis?
    Wed Nov 16, 2011 9:54 pm by Guest

    » HOTSPOTSHIELD
    Thu Nov 10, 2011 11:54 am by Disciple

    August 2017
    SunMonTueWedThuFriSat
      12345
    6789101112
    13141516171819
    20212223242526
    2728293031  

    Calendar Calendar

    Social bookmarking

    Social bookmarking Digg  Social bookmarking Delicious  Social bookmarking Reddit  Social bookmarking Stumbleupon  Social bookmarking Slashdot  Social bookmarking Yahoo  Social bookmarking Google  Social bookmarking Blinklist  Social bookmarking Blogmarks  Social bookmarking Technorati  

    Bookmark and share the address of The New Public square on your social bookmarking website

    Who is online?
    In total there are 7 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 7 Guests

    None

    [ View the whole list ]


    Most users ever online was 470 on Tue May 29, 2012 4:40 pm
    Poll
    FORUM TRANSLATOR
    Forum Protection
    Advertisement
    HOTSPOTSHIELD

     

    Protecting the web for your                                                                                                                                                                              security, privacy and anonymity!                                                                                                                                                                        Get behind the SHIELD! 100% FREE!

     


    Murderous HATRED!!!

    Page 2 of 2 Previous  1, 2

    View previous topic View next topic Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by adanedhel on Sat Aug 21, 2010 10:06 am

    harballah wrote:
    So, ibig mong sabihin ay binago ni Hesus ang law at ni-ratify kamo, pero basi sa nasa mateo ay wala naman siyang sinabing ni-ratify o binago niya ang nasa kautusan kay Moses ang sabi niya diyan ay ganito lang........"But I tell you that anyone who looks at a woman lustfully has already committed adultery with her in his heart".

    Yes 'yan nga ang ibig kong sabihin, mas pinalawak pa ng Panginoong Jesus ang sakop ng Old Law sa NT.

    harballah wrote:
    Kaya mas tamang tanggapin na bukod sa batas ni Moses na stoning to death sa nangangalunya ay mas binigyan diin pa ni Hesus na nangangalunya rin ang pagnanasa sa isang babae, what about ngayon na nagkalat ang pornograpiya sa tingin mo kaya ay hindi maraming kalalakihan ang nagkakasala ng pangangalunya, so dapat ba ninyong sundin ang kautusan ni Hesus "If your right eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It is better for you to lose one part of your body than for your whole body to be thrown into hell. "

    Yes dapat lang na sundin ang kautusang 'yan ni Jesus.

    harballah wrote:
    Teka kaibigan si Hesus ay hudyo at hindi niya kailanman nasabing ang mga hudyo ay dapat sumunod sa NEW TESTAMENT kasi wala na si Hesus sa panahon na ginawa ang NT ninyo, papaano mong nasabing ang mga hudyo ang dapat magpasakop sa sinasabi mong Law of the New Covenant, huwag mo rin kalimutan na mga descendant ni Isaac ang mga Hudyo.

    Hindi ba't ang mga apostoles ni Jesus ay mga Hudyo?

    harballah wrote:
    Parang hindi yata kapani-paniwala na ang mga Hudyo ang dapat sumunod sa New Testament gayong mismong si Hesus ay sinabi niyang:-

    Matthew 5:17"Do not think that I have come to abolish the Law or the Prophets; I have not come to abolish them but to fulfill them.

    Makikita natin na pinagdiiinan niya diyan na wala siyang binago sa batas ni Moses, papaano mo ngayon nasabing iyong mga Hudyo ay dapat magpasakop sa NT Rolling Eyes

    Kung si Jesus nga ang fulfillment ng Law of the Prophets, anong reason ng mga Hudyo kung ayaw nilang sumunod sa New Law? Maliban na lang kung hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ni Jesus.

    harballah wrote:
    Saan po sinabing ang parusa sa nangangalunya ay Diyos lang ang magparusa sa kabilang buhay.

    Brad, nabasa mo na ba iyong post ko about sa parusa sa adultery kung saan ay mayroon dalawang batayan kung sino ang dapat parusahan ng kamatayan.

    Ang parusa sa pagkakasala ay kamatayan. Dalawang klase yun, earthly death at eternal death.

    Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all men, because all sinned— (Romans 5:12)

    To choose deliberately - that is, both knowing it and willing it - something gravely contrary to the divine law and to the ultimate end of man is to commit a mortal sin. This destroys in us the charity without which eternal beatitude is impossible. Unrepented, it brings eternal death. (CCC 1874)

    Isa lang ang maliwanag sa New Law, hindi tayo binigyan ng Diyos ng authority na ilagay sa sarili nating mga kamay ang paghuhukom.

    Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you. (Matt. 7:1-2)

    If your brother sins against you,[b] go and show him his fault, just between the two of you. If he listens to you, you have won your brother over. But if he will not listen, take one or two others along, so that 'every matter may be established by the testimony of two or three witnesses.' If he refuses to listen to them, tell it to the church; and if he refuses to listen even to the church, treat him as you would a pagan or a tax collector. (Matt. 18:15-17)

    avatar
    adanedhel
    .
    .

    Posts : 155
    Join date : 2010-07-21
    Age : 38
    Location : Subic, Zambales

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by harballah on Sun Aug 22, 2010 4:42 am

    adanedhel wrote:
    Yes 'yan nga ang ibig kong sabihin, mas pinalawak pa ng Panginoong Jesus ang sakop ng Old Law sa NT.

    Ang kaso brad ay wala naman sinabi si Hesus na binago alinsunod sa sinasabi niya diyan na ayon sa inyo ay ni-ratify niya, mayroon ba siyang sinasabing ni-ratify niya o ang malinaw na sinabi niya ay wala siyang babaguhin maski isang tudlik sa kautusan, lalabas kasing nilabag ni Hesus ang sinasabi niya kung aayunan ko ang sinasabi mong ni-ratify niya ang kautusan na ipinahayag kay Moses (pbuh).


    adanedhel wrote:
    Yes dapat lang na sundin ang kautusang 'yan ni Jesus.

    So, ano ang komento mo sa sinabi kung ito.

    harballah wrote:
    what about ngayon na nagkalat ang pornograpiya sa tingin mo kaya ay hindi maraming kalalakihan ang nagkakasala ng pangangalunya, so dapat ba ninyong sundin ang kautusan ni Hesus "If your right eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It is better for you to lose one part of your body than for your whole body to be thrown into hell. "

    Dapat bang sundin ninyo ang sinabi na iyan ni Hesus ?


    adanedhel wrote:
    Hindi ba't ang mga apostoles ni Jesus ay mga Hudyo?

    Kaya nga hudyo si Hesus at Hudyo rin ang mga apostol kaya nga isinugo si Hesus sa mga tupang nangangaligaw sa Israel sapagkat siya ay isinugo lang sa mga Hudyo at hindi sa mga Hentil na sinasabi ninyong kayo.

    In fact iyong sinasabi mong NT ay hindi na inabot ni Hesus at papaano mo nasabing iyan dapat ang sundin ng mga Hudyo.


    adanedhel wrote:
    Kung si Jesus nga ang fulfillment ng Law of the Prophets, anong reason ng mga Hudyo kung ayaw nilang sumunod sa New Law? Maliban na lang kung hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ni Jesus.

    Kaya nga brad hindi sinusunod ng mga hudyo ang sinasabi mong New Law kasi alam nila na walang bagong kasulatan o ipinahayag si Hesus sa kanila maliban sa batas na pinaiiral ni Moses, kaya nga malinaw ang pagka-detalye niya sa Mateo 5:

    Matthew 5:17"Do not think that I have come to abolish the Law or the Prophets; I have not come to abolish them but to fulfill them.

    Kaya hindi pupuwede iyong sinasabi mong dapat ang mga hudyo ang magpapasakop sa New Law na sinasabi mo.

    adanedhel wrote:
    Ang parusa sa pagkakasala ay kamatayan. Dalawang klase yun, earthly death at eternal death.

    Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all men, because all sinned— (Romans 5:12)

    To choose deliberately - that is, both knowing it and willing it - something gravely contrary to the divine law and to the ultimate end of man is to commit a mortal sin. This destroys in us the charity without which eternal beatitude is impossible. Unrepented, it brings eternal death. (CCC 1874)

    Isa lang ang maliwanag sa New Law, hindi tayo binigyan ng Diyos ng authority na ilagay sa sarili nating mga kamay ang paghuhukom.

    Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you. (Matt. 7:1-2)

    If your brother sins against you,[b] go and show him his fault, just between the two of you. If he listens to you, you have won your brother over. But if he will not listen, take one or two others along, so that 'every matter may be established by the testimony of two or three witnesses.' If he refuses to listen to them, tell it to the church; and if he refuses to listen even to the church, treat him as you would a pagan or a tax collector. (Matt. 18:15-17)


    Sa tutuo lang brad ay ang inilatag mong iyan ay walang kaugnayan sa tinanggap na kautusan ni Hesus kay Moses, ang layo ng sinasabi mong parusa ang kamatayan kasi patungkol na iyan sa doktorina ninyong minana ang kasalanan, baka mabaling paksa tayo kung papatulan ko ang inilatag mo diyan.

    Isa lang naman ang ipinagtataka ko kung hindi na pasok ang batas ni Moses ay bakit ninyo patuloy na tinatanggap ang sampung kautusan na ipinahayag ng Diyos kay Moses, hindi ba lalabas na namimili lang po kayo.


    Anyway, wala ka na bang komento doon sa post ko mula sa hadith about sa dalawang uri ng adultery kasi baka mayroon kang gustong itanong.

    _________________


    click me
    avatar
    harballah
    ...
    ...

    Posts : 3016
    Join date : 2010-03-24
    Location : Jeddah, Saudi Arabia

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by adanedhel on Sun Aug 22, 2010 5:23 pm

    harballah wrote:
    Ang kaso brad ay wala naman sinabi si Hesus na binago alinsunod sa sinasabi niya diyan na ayon sa inyo ay ni-ratify niya, mayroon ba siyang sinasabing ni-ratify niya o ang malinaw na sinabi niya ay wala siyang babaguhin maski isang tudlik sa kautusan, lalabas kasing nilabag ni Hesus ang sinasabi niya kung aayunan ko ang sinasabi mong ni-ratify niya ang kautusan na ipinahayag kay Moses (pbuh).

    Ang pagkakaintindi ko sa Matt. 5:17 nung sinabi ni Jesus “I have not come to abolish the Law but to fulfill them…” abolish means alisin. Wala Siyang inalis na Batas ng mga Propeta, kundi mas pinalawak at pinalaliman pa ang kahulugan ng mga batas na yun, kaya nasabi kong ni-ratify Niya ang Old Law. For example ang Matt. 5:38-42 at Matt. 5:43-48. Si Jesu-Cristo ang fulfillment ng mga sinasabi ng propeta sa Old Testament, hindi lang ito matatanggap ng mga Israelita. Ang akala siguro nila may iba pang mesiyas na magliligtas sa kanila politically mula sa pagkakasakop sa Roman Empire.

    harballah wrote:
    So, ano ang komento mo sa sinabi kung ito.

    what about ngayon na nagkalat ang pornograpiya sa tingin mo kaya ay hindi maraming kalalakihan ang nagkakasala ng pangangalunya, so dapat ba ninyong sundin ang kautusan ni Hesus "If your right eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It is better for you to lose one part of your body than for your whole body to be thrown into hell. "

    Dapat bang sundin ninyo ang sinabi na iyan ni Hesus ?

    Of course idiomatic expression o figurative language ang ibig sabihin ng statement na ‘yan ni Jesus. Pag nakarating ka na sa langit you will no longer have any imperfections, kagaya na lang ng walang isang mata o putol ang isang kamay. Binigyang-diin ni Jesus ang Kanyang point na huwag magkasala, di ko lang ma-recall kung anong klaseng figure of speech yan.
    Kaya sinasabi ko bro tama lang na sundin natin ang sinasabing iyan ni Jesus.

    harballah wrote:
    Kaya nga hudyo si Hesus at Hudyo rin ang mga apostol kaya nga isinugo si Hesus sa mga tupang nangangaligaw sa Israel sapagkat siya ay isinugo lang sa mga Hudyo at hindi sa mga Hentil na sinasabi ninyong kayo.

    In fact iyong sinasabi mong NT ay hindi na inabot ni Hesus at papaano mo nasabing iyan dapat ang sundin ng mga Hudyo.

    Ang New Law o New Covenant ay nag-umpisa kay Jesus. Kaya may tinawag Siyang 12 apostoles para magpatuloy ng Kanyang sinimulan, ang pagtatatag ng bagong kaharian sa pamamagitan ng pagpapasakop ng sangkatauhan sa New Covenant, dahil alam Niyang hindi Siya magtatagal sa lupa. Kaya binigyan ni Jesus ng great commission ang mga apostoles (Matt. 28:19-20) para sila na ang magpatuloy sa Kanyang sinimulan. Yung sinabi sa verses na yan na “all nations” walang exception dyan, mapa-Hudyo man o Hentil.

    Uulitin ko ang sinasabi ko, walang sinabi si Jesus na tayo ang mag-eexecute ng punishment pag may nagkasala halimbawa ng adultery. Ang pinaiiral Niyang bagong batas ay ang pag-ibig at pagpapatawad, hindi ang paghuhukom, kagaya na lang ng nabanggit mo sa hadith.
    avatar
    adanedhel
    .
    .

    Posts : 155
    Join date : 2010-07-21
    Age : 38
    Location : Subic, Zambales

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by harballah on Sun Aug 22, 2010 10:28 pm

    adanedhel wrote:
    Ang pagkakaintindi ko sa Matt. 5:17 nung sinabi ni Jesus “I have not come to abolish the Law but to fulfill them…” abolish means alisin. Wala Siyang inalis na Batas ng mga Propeta, kundi mas pinalawak at pinalaliman pa ang kahulugan ng mga batas na yun, kaya nasabi kong ni-ratify Niya ang Old Law. For example ang Matt. 5:38-42 at Matt. 5:43-48. Si Jesu-Cristo ang fulfillment ng mga sinasabi ng propeta sa Old Testament, hindi lang ito matatanggap ng mga Israelita. Ang akala siguro nila may iba pang mesiyas na magliligtas sa kanila politically mula sa pagkakasakop sa Roman Empire.

    So, kung ganoon brad kung pinalawak pa niya ito ay hindi ibig sabihin ay inalis niya ang batas ni Moses, tama ba?

    In fact, kung pagbabasihan natin ang sinasabi mo ngayon na wala nga siyang inalis na batas ay masasabi kung exist parin ito kung ipatutupad sa ngayon. Wala ka kasing maibigay na talata na kokontra diyan sa sinabi niya na mismong ipinaalam niya sa mga hudyo na iyong binanggit niyang nasa Mateo 5:27-30 ay pampalit doon sa batas na ipinahayag kay Moses, wala po hindi po ba bagkus ay dagdag po niya sa mga taong nangangalunya.


    adanedhel wrote:
    Of course idiomatic expression o figurative language ang ibig sabihin ng statement na ‘yan ni Jesus. Pag nakarating ka na sa langit you will no longer have any imperfections, kagaya na lang ng walang isang mata o putol ang isang kamay. Binigyang-diin ni Jesus ang Kanyang point na huwag magkasala, di ko lang ma-recall kung anong klaseng figure of speech yan.
    Kaya sinasabi ko bro tama lang na sundin natin ang sinasabing iyan ni Jesus.

    So, idiomatic expression o firgurative language lang pala iyan, kaso kung hindi ako nagkakamali ay mayroon ng gumawa niyan kasi literal ang pagkaka-alam niya. Pero sige po hindi na natin pagtatalunan iyan at mag-concentrate na lang tayo kung may binago bang batas si Hesus basi sa sinabi niya sa Mateo 5:17-19.


    adanedhel wrote:
    Ang New Law o New Covenant ay nag-umpisa kay Jesus. Kaya may tinawag Siyang 12 apostoles para magpatuloy ng Kanyang sinimulan, ang pagtatatag ng bagong kaharian sa pamamagitan ng pagpapasakop ng sangkatauhan sa New Covenant, dahil alam Niyang hindi Siya magtatagal sa lupa. Kaya binigyan ni Jesus ng great commission ang mga apostoles (Matt. 28:19-20) para sila na ang magpatuloy sa Kanyang sinimulan. Yung sinabi sa verses na yan na “all nations” walang exception dyan, mapa-Hudyo man o Hentil.

    Kaso hindi ba may sinabi si Hesus na huwag silang tumungo sa mga hentil kasi isinugo lang siya sa mga tupang nangagaligaw sa Israel (hudyo).


    adanedhel wrote:
    Uulitin ko ang sinasabi ko, walang sinabi si Jesus na tayo ang mag-eexecute ng punishment pag may nagkasala halimbawa ng adultery. Ang pinaiiral Niyang bagong batas ay ang pag-ibig at pagpapatawad, hindi ang paghuhukom, kagaya na lang ng nabanggit mo sa hadith.

    So, mali din pala iyong ginawa ng Diyos ninyo sa Exodus 21.

    Pero brad kung ang Diyos pala ang mag-execute ay bakit mayron tayong batas para parusahan ang mga nagkakasala, sige nga pakipaliwanag po.


    _________________


    click me
    avatar
    harballah
    ...
    ...

    Posts : 3016
    Join date : 2010-03-24
    Location : Jeddah, Saudi Arabia

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by adanedhel on Mon Aug 23, 2010 7:01 am

    harballah wrote:
    So, kung ganoon brad kung pinalawak pa niya ito ay hindi ibig sabihin ay inalis niya ang batas ni Moses, tama ba?

    In fact, kung pagbabasihan natin ang sinasabi mo ngayon na wala nga siyang inalis na batas ay masasabi kung exist parin ito kung ipatutupad sa ngayon. Wala ka kasing maibigay na talata na kokontra diyan sa sinabi niya na mismong ipinaalam niya sa mga hudyo na iyong binanggit niyang nasa Mateo 5:27-30 ay pampalit doon sa batas na ipinahayag kay Moses, wala po hindi po ba bagkus ay dagdag po niya sa mga taong nangangalunya.
    In my own understanding, the word "abolish" means "remove". Yung lumang batas about adultery ay hindi inalis yun ni Jesus, bagkus mas pinalawak pa ang sakop nito. Ang hindi na lang makikita sa New Law ay yung immediate judgment na kamatayan na kung saan ang mga tao ang mag-eexecute. Pansinin ang verse na ito sa OT:

    " 'If a man commits adultery with another man's wife—with the wife of his neighbor—both the adulterer and the adulteress must be put to death. (Lev. 20:10 NIV)

    Wala ka nang makikitang verse sa New Law na ang nagko-commit ng adultery ay agad hahatulan ng kamatayan. Ang pinaka-dramatic example ay yung ginawa ni Jesus sa babaeng nahuling nakikiapid sa John 8:1-11. Instead sinabi ni Jesus ang ganito:

    Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you. (Matt. 7:1-2 NIV)

    harballah wrote:
    Kaso hindi ba may sinabi si Hesus na huwag silang tumungo sa mga hentil kasi isinugo lang siya sa mga tupang nangagaligaw sa Israel (hudyo).
    Paki-recall bro kung anong bersikulo 'yan, di ko rin kasi alam.

    harballah wrote:
    So, mali din pala iyong ginawa ng Diyos ninyo sa Exodus 21.

    Pero brad kung ang Diyos pala ang mag-execute ay bakit mayron tayong batas para parusahan ang mga nagkakasala, sige nga pakipaliwanag po.
    Sa Kristiyanismo kasi bro hiwalay ang church sa state. Isa 'yan sa mga greatest contributions ng Katolisismo sa mundo. Kaya may mga instances na ang state ay may batas about death penalty, kung saan hindi sang-ayon ang Romano Katoliko. Sa Islam in my own understanding hindi nag-eexist ang church/state separation, kasi sa Islam ang Islamic government is God's government o theocracy.

    avatar
    adanedhel
    .
    .

    Posts : 155
    Join date : 2010-07-21
    Age : 38
    Location : Subic, Zambales

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by harballah on Mon Aug 23, 2010 8:28 pm

    adanedhel wrote:In my own understanding, the word "abolish" means "remove". Yung lumang batas about adultery ay hindi inalis yun ni Jesus, bagkus mas pinalawak pa ang sakop nito. Ang hindi na lang makikita sa New Law ay yung immediate judgment na kamatayan na kung saan ang mga tao ang mag-eexecute. Pansinin ang verse na ito sa OT:

    " 'If a man commits adultery with another man's wife—with the wife of his neighbor—both the adulterer and the adulteress must be put to death. (Lev. 20:10 NIV)

    Wala ka nang makikitang verse sa New Law na ang nagko-commit ng adultery ay agad hahatulan ng kamatayan. Ang pinaka-dramatic example ay yung ginawa ni Jesus sa babaeng nahuling nakikiapid sa John 8:1-11. Instead sinabi ni Jesus ang ganito:

    Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you. (Matt. 7:1-2 NIV)

    So, nagkasundo tayo na hindi inalis iyong batas ni Moses kung saan nandoon ang kautusan ng Diyos ninyo na stoning to death tama po ba?

    Ang sabi mo ngayon ay pinalawak ni Hesus ang kautusan ito kung saan higit pa itong nakakatakot na gawin ng sinuman kasi titingin ka lang ng may pagnanasa ay siguradong nagkakasala kana lalo na ngayong usong-uso ang pornograpiya na siguradong marami ang nagkakasala sa mga kristiyano.

    Nasabi mo rin diyan na sa New Law ay hindi hahatulan ng kamatayan tulad ng babaeng nahuling nakikiapid na ayon sa mga kapwa mo defender ay pinaparatangan lang siya ng mga pariseo dahil gusto siyang subukan, ano kaya kung tutuo iyon kung kaya hindi siya hinatulan ng kamatayan ni Hesus at gumawa siya ng paraan to avoid it ang naisip niya ay sabihin na kung sino ang walang kasalanan ay siyang bumato.

    Iyan bang sa Mateo 7:1-2 ay patungkol ba sa nagkakasala o patungkol sa paghuhusga sa kapwa tayo kahit walang basihan.

    Tandaan mo brad na nagkasundo tayo doon sa batas ni Moses na hindi siya na-abolish so hindi rin abolish iyong utos na stoning to death, pero ngayon dapat pagkasunduan natin diyan sa NT kung saan sinabi ni Hesus na huwag parusahan ang tao basi doon sa kautusan kay Moses sapagkat ang Diyos lang ang siyang hahatol, mayroon ba?



    adanedhel wrote:
    Paki-recall bro kung anong bersikulo 'yan, di ko rin kasi alam.

    Sige bro, ito po siya:

    Saan daw isinugo ni Hesus ang kanyang mga apostol.


    Mateo 10:5-6 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.

    Mateo 15:24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.


    Siguro ay malinaw ang sinabi ni Hesus na iyan kung saan sila isinugo at kung kanino siya isinugo ng Diyos.


    adanedhel wrote:


    Sa Kristiyanismo kasi bro hiwalay ang church sa state. Isa 'yan sa mga greatest contributions ng Katolisismo sa mundo. Kaya may mga instances na ang state ay may batas about death penalty, kung saan hindi sang-ayon ang Romano Katoliko. Sa Islam in my own understanding hindi nag-eexist ang church/state separation, kasi sa Islam ang Islamic government is God's government o theocracy.


    Bakit mo naman nasabing hiwalay ang church state gayong kung tutuusin kaibigan ay ikaw rin ang nagsabing ang Diyos ang siyang huhusga at magpaparusa, ibig mong sabihin ba niyan ay okey lang na magparusa ang mga tao basi sa tinatawag mong paghihiwalay ng simbahan sa estado.

    Ang Islam ay may batas na Sharia Law at sinusunod lang namin ang salita ng Diyos, sa inyo ba ay sinusunod mo ba ang batas ng Diyos mo. Kaya nga tinatanong kita kung mali ba iyong utos ng ginawa ng Diyos ninyo sa Exodus 21 ?

    _________________


    click me
    avatar
    harballah
    ...
    ...

    Posts : 3016
    Join date : 2010-03-24
    Location : Jeddah, Saudi Arabia

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by adanedhel on Wed Aug 25, 2010 6:28 am

    harballah wrote:

    So, nagkasundo tayo na hindi inalis iyong batas ni Moses kung saan nandoon ang kautusan ng Diyos ninyo na stoning to death tama po ba?

    Ang sabi mo ngayon ay pinalawak ni Hesus ang kautusan ito kung saan higit pa itong nakakatakot na gawin ng sinuman kasi titingin ka lang ng may pagnanasa ay siguradong nagkakasala kana lalo na ngayong usong-uso ang pornograpiya na siguradong marami ang nagkakasala sa mga kristiyano.

    Nasabi mo rin diyan na sa New Law ay hindi hahatulan ng kamatayan tulad ng babaeng nahuling nakikiapid na ayon sa mga kapwa mo defender ay pinaparatangan lang siya ng mga pariseo dahil gusto siyang subukan, ano kaya kung tutuo iyon kung kaya hindi siya hinatulan ng kamatayan ni Hesus at gumawa siya ng paraan to avoid it ang naisip niya ay sabihin na kung sino ang walang kasalanan ay siyang bumato.

    Iyan bang sa Mateo 7:1-2 ay patungkol ba sa nagkakasala o patungkol sa paghuhusga sa kapwa tayo kahit walang basihan.

    Tandaan mo brad na nagkasundo tayo doon sa batas ni Moses na hindi siya na-abolish so hindi rin abolish iyong utos na stoning to death, pero ngayon dapat pagkasunduan natin diyan sa NT kung saan sinabi ni Hesus na huwag parusahan ang tao basi doon sa kautusan kay Moses sapagkat ang Diyos lang ang siyang hahatol, mayroon ba?
    Bro what I agree on your position was hindi inalis ni Jesus ang law about adultery...yung immediate punishment by men ang tinanggal niya. Yung babaeng babatuhin na sana totoong nagkasala yun, hindi lang naparatangan, kasi sa bandang huli sinabi ni Jesus, "...go now and leave your life of sin." (Jn. 8:11).

    Ngayon bakit sa Old Testament kaagad agad nilang binabato ang nahuhuling nangangalunya? Nagkamali ba ang Diyos sa OT sa paglalagay ng ganung immediate punishment at tinanggal na ni Jesus sa New Testament? Hindi. Dahil nung panahon ng mga Israelita sa OT hindi pa ganun ka-developed ang paniniwala nila sa Diyos. Kumbaga over time unti-unti pa lang nare-reveal ang nature ng Diyos sa kanila, kaya upang huwag silang magaya sa mga karatig bansa nilang mga pagano, inimpose yung istriktong batas sa kanila. Kagaya na lang nung bata pa tayo. May instance na kailangan talagang hagupitin para sumunod at tumino sa mga magulang, pero paglaki natin hindi na ganun dahil mature na ang ating pag-iisip. Ganun din yun sa time na ni Jesus. Hindi na kailangan ang immediate punishment kung talagang mahal mo ang Diyos at mahal mo ang kapwa mo.

    Pansinin ang verse na ito:

    We have much to say about this, but it is hard to explain because you are slow to learn. In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths of God's word all over again. You need milk, not solid food! Anyone who lives on milk, being still an infant, is not acquainted with the teaching about righteousness. (Hebrews 5:11-13)

    May time na ang tao kailangan munang turuan ng elementary truth, then advanced truth, para bang nag-aaral mula kinder, elementary, highschool, college, at post graduate. Nung time ng OT hindi angkop sa tao ang turuan kaagad ng advanced truth on God's word gaya na lang ng love and forgiveness. Mas angkop noon ang fear and punishment para sumunod sila.

    harballah wrote:
    Mateo 10:5-6 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.

    Mateo 15:24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.

    Siguro ay malinaw ang sinabi ni Hesus na iyan kung saan sila isinugo at kung kanino siya isinugo ng Diyos.
    Matthew was a Jewish Christian. His focus was to evangelize the Jews into the teachings of Christ kaya yung mga sinabi ni Jesus patungkol sa mga Hudyo ang sinulat nya.

    harballah wrote:
    Bakit mo naman nasabing hiwalay ang church state gayong kung tutuusin kaibigan ay ikaw rin ang nagsabing ang Diyos ang siyang huhusga at magpaparusa, ibig mong sabihin ba niyan ay okey lang na magparusa ang mga tao basi sa tinatawag mong paghihiwalay ng simbahan sa estado.
    Ini-encourage sa Kristyanismo ang paghihiwalay ng simbahan sa estado. Ibig sabihin nun may freedom na sumunod o hindi ang mga nasa administrasyon sa mga turo ni Kristo. Hindi yung dahil takot sila na maparusahan kaya susundin na lang nila yung teachings. Kaya pag hindi naaayon sa turo ng Simbahan ang mga batas ng estado gaya na lang ng RH bill kinokondena ito ng Simbahan.
    avatar
    adanedhel
    .
    .

    Posts : 155
    Join date : 2010-07-21
    Age : 38
    Location : Subic, Zambales

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by harballah on Wed Aug 25, 2010 6:55 am

    adanedhel wrote:





    Bro what I agree on your position was hindi inalis ni Jesus ang law about adultery...yung immediate
    punishment by men ang tinanggal niya. Yung babaeng babatuhin na sana totoong nagkasala yun, hindi lang naparatangan, kasi sa bandang huli sinabi ni Jesus, "...go now and leave your life of sin." (Jn. 8:11).

    So, kung hindi pala inalis ni Hesus iyong batas sa pangangalunya ay nangangahulugan na nandoon parin ang batas ng stoning to death, atsaka wala ka parin maipakita na inalis na nga niya iyong batas ng stoning brad.

    Sapat bang sabihin na inalis ni Hesus ang parusang kamatayan dahil sinabi niya iyan doon sa babae.



    adanedhel wrote:Ngayon bakit sa Old Testament kaagad agad nilang binabato ang nahuhuling nangangalunya? Nagkamali ba ang Diyos sa OT sa paglalagay ng ganung immediate punishment at tinanggal na ni Jesus sa New Testament? Hindi. Dahil nung panahon ng mga Israelita sa OT hindi pa ganun ka-developed ang paniniwala nila sa Diyos. Kumbaga over time unti-unti pa lang nare-reveal ang nature ng Diyos sa kanila, kaya upang huwag silang magaya sa mga karatig bansa nilang mga pagano, inimpose yung istriktong batas sa kanila. Kagaya na lang nung bata pa tayo. May instance na kailangan talagang hagupitin para sumunod at tumino sa mga magulang, pero paglaki natin hindi na ganun dahil mature na ang ating pag-iisip. Ganun din yun sa time na ni Jesus. Hindi na kailangan ang immediate punishment kung talagang mahal mo ang Diyos at mahal mo ang kapwa mo.

    Pero brad lalabas parin na nagkamali ang Diyos mo kasi nga humatol na siya, ibig mong sabihin ay puwede palang magbago ng isip ang Diyos mo. Huwag mong kalimutan na mayroon kayong paniniwala na existing si Hesus sa OT, mangangahulugan iyan na maski siya ay nagkamali ng pagpataw sa mga naunang mga tao kabilang ang mga naunang propheta ng Diyos.

    Sa halimbawa mo na noon ay kailangan hagupitin ang isang bata para tumino, kung iyan ba ang pagbabatayan natin ay hindi ba dapat ganyan din ang pairalin ng ating bansa na huwag ng parusahan ang mga nagkakasala hindi ba?

    Hindi porke pinapalo mo ang anak mo ay hindi muna siya mahal bagkus dinidisiplina mo rin siya paminsan-minsan.


    adanedhel wrote:Pansinin ang verse na ito:
    We have much to say about this, but it is hard to explain because you are slow to learn. In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths of God's word all over again. You need milk, not solid food! Anyone who lives on milk, being still an infant, is not acquainted with the teaching about righteousness. (Hebrews 5:11-13)

    May time na ang tao kailangan munang turuan ng elementary truth, then advanced truth, para bang nag-aaral mula kinder, elementary, highschool, college, at post graduate. Nung time ng OT hindi angkop sa tao ang turuan kaagad ng advanced truth on God's word gaya na lang ng love and forgiveness. Mas angkop noon ang fear and punishment para sumunod sila.

    Pasensiya kana brad pero hindi pasok sa akin ang inilatag mong talata diyan, kasi ang pinag-uusapan natin ay ang Diyos, all knowing na alam niya ang ginagawa niya bago pa niya lalangin ang mga tao sa lupa. Lalabas na unfair siya sa batas na ipinatupad niya noon at ngayon kung pagbabasihan natin ang argumento mo sa akin diyan.


    adanedhel wrote:Matthew was a Jewish Christian. His focus was to evangelize the Jews into the teachings of Christ kaya yung mga sinabi ni Jesus patungkol sa mga Hudyo ang sinulat nya.

    Iyan ba talaga ang dahilan brad o talagang sinabi ni Hesus na isinugo siya sa mga tupang nangangaligaw sa Israel, kayo rin ang nagsabi na iba ang mga hudyo sa inyo ngayon, so kaya siya isinugo ay para ibalik sila sa tamang landas.

    May sinabi ba si Mateo na patungkol sa nabanggit mo ngayon sa akin diyan na ipinapahayag niya ang ebanghelyo niya sa mga hudyo lamang?


    adanedhel wrote:
    Ini-encourage sa Kristyanismo ang paghihiwalay ng simbahan sa estado. Ibig sabihin nun may freedom na sumunod o hindi ang mga nasa administrasyon sa mga turo ni Kristo. Hindi yung dahil takot sila na maparusahan kaya susundin na lang nila yung teachings. Kaya pag hindi naaayon sa turo ng Simbahan ang mga batas ng estado gaya na lang ng RH bill kinokondena ito ng Simbahan.

    Alam mo brad diyan tayo magkaiba kasi sa amin hindi hiwalay sapagkat kung ano ang nakasaad sa Quran ay siyang dapat na masunod, isipin mo na sabi mo ay sabi ng Diyos mo ay siya ang magpaparusa sa nagkakasala pero kayo hinahayaan ninyong parusahanang nagkakasala ng sinasabi ninyong estado.

    Sa tingin mo kaya ay hindi kayo sumusuway sa Diyos ninyo kung tutuo na siya ang magpaparusa niyan brad.

    _________________


    click me
    avatar
    harballah
    ...
    ...

    Posts : 3016
    Join date : 2010-03-24
    Location : Jeddah, Saudi Arabia

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by adanedhel on Sun Aug 29, 2010 12:35 am

    harballah wrote:
    So, kung hindi pala inalis ni Hesus iyong batas sa pangangalunya ay nangangahulugan na nandoon parin ang batas ng stoning to death, atsaka wala ka parin maipakita na inalis na nga niya iyong batas ng stoning brad.

    Sapat bang sabihin na inalis ni Hesus ang parusang kamatayan dahil sinabi niya iyan doon sa babae.
    Isa sa dapat nating tandaan brad, na ang Biblia ay hindi indexed at hindi outlined na para bang isang konstitusyon kung saan nandun ang naka-specify na basehan kung ano ang susundin o hindi. Maraming explicit na batas na dapat susundin na nasa Biblia, ngunit marami din ang implicit na madalas yung mga naniniwala lang ang nakakaintindi. Dahil sa ipinakitang ehemplo ni Hesus ibig sabihin yun dapat ang susundin ng mga Kristiyano.

    Uulitin ko ulit ang sinabi ko na nung una, na hindi inalis ni Jesus ang batas patungkol sa adultery, bagkus ay pinalawak pa Niya ang sakop nito. Hindi rin Niya inalis ang punishment nito, pero hindi na ang mga tao ang magpapataw ng judgment para sa kasalanang ito dahil tayong lahat ay makasalanan.

    Ang dapat na tanong ay: Nagkamali ba ang Diyos sa OT sa pagbigay ng authority to judge noong OT, at kalaunan ay inalis din sa NT? Honestly hindi ko masasagot ng tama at diretso ang tanong na ito brad dahil kulang na kulang ako sa kaalaman. Ang ideya ko lang dito ay; God is not subject to the rules that He imposed to men. Halimbawa sinabi ng Diyos, "thou shalt not kill." Ibig bang sabihin hindi na pwedeng pumatay ang Diyos? Kung nauna na Niyang sinabi na huwag tayong pumatay, bakit pa niya pinapabato ang mga nangangalunya? O kung pagbabasehan natin ang Quran, bakit pa pinapapatay ni Allah ang mga unbelievers who are unwilling to submit themselves to Islam? Ibig sabihin sa aking munting pang-iintindi, hindi subjected ang Diyos sa mga rules na ibinigay Niya sa mga tao.
    avatar
    adanedhel
    .
    .

    Posts : 155
    Join date : 2010-07-21
    Age : 38
    Location : Subic, Zambales

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by harballah on Sun Aug 29, 2010 4:33 am

    adanedhel wrote:Isa sa dapat nating tandaan brad, na ang Biblia ay hindi indexed at hindi outlined na para bang isang konstitusyon kung saan nandun ang naka-specify na basehan kung ano ang susundin o hindi. Maraming explicit na batas na dapat susundin na nasa Biblia, ngunit marami din ang implicit na madalas yung mga naniniwala lang ang nakakaintindi. Dahil sa ipinakitang ehemplo ni Hesus ibig sabihin yun dapat ang susundin ng mga Kristiyano.

    Uulitin ko ulit ang sinabi ko na nung una, na hindi inalis ni Jesus ang batas patungkol sa adultery, bagkus ay pinalawak pa Niya ang sakop nito. Hindi rin Niya inalis ang punishment nito, pero hindi na ang mga tao ang magpapataw ng judgment para sa kasalanang ito dahil tayong lahat ay makasalanan.

    Iyon nga ang gusto kung linawin sa inyo brad na kung pinalawak niya ang sakop nito ay hindi parin nangangahulugan na nawala na iyong batas ni Moses which the sentence for adultery is stoning to death, in fact hindi parin specify kung anong adultery iyong dapat parusahan sa batas ni Moses, sa amin kasi kung matatandaan mo ang ipinaskil ko sa inyo ay may dalawang uri ng adultery, ang adultery ng parehong may asawa at adultery ng walang asawa, siguro nabasa mo ang magkaibang parusa sa kanila.

    Ngayon balik tayo sa sinabi mong pinalawig pa ni Hesus ang sakop nito, kung susumahin sa panahon natin ngayon ay maraming mapupunta sa impiyerno, bakit ko nasabi ay dahil sa nagkalat na pornograpiya at hindi lang iyon sa suot ng ibang kababaihan ay posibleng hindi makadama ang lalaki ng pangangalunya sa kanilang mga mata lamang, naaalaala ko ang isang kaibigan ko noon sa Manila na kapag nakakakita ng babaeng seksi ay laging nasasabi ang salitang "putang ina ang seksi ang sarap sigurong ikama ito" bukod sa nakapagmura na siya ay nagkakasala na siya sa naisip niya doon sa seksing babae, what you think?

    Nasabi mo rin diyan na hindi tao ang magpaparusa sa may kasalanan, ang tanong ko ay ganito.

    Nagkakasala ba iyong nagpaparusa sa may kasalanan?


    adanedhel wrote:
    Ang dapat na tanong ay: Nagkamali ba ang Diyos sa OT sa pagbigay ng authority to judge noong OT, at kalaunan ay inalis din sa NT? Honestly hindi ko masasagot ng tama at diretso ang tanong na ito brad dahil kulang na kulang ako sa kaalaman.

    Thanks sa deretsahan sagot brad at hinahangaan kita sa pagsasabi ng ganyan, tulad mo ay kapag hindi rin abot ng aking kaalaman ay kumukuha ako ng sagot sa mga higit ang kaalaman sa akin. Kaya nauunawaan kita at sana pagpasensiyahan mo na rin ako kung masyadong pinupursige ko ang pagtatanong sa inyo.


    adanedhel wrote:
    Ang ideya ko lang dito ay; God is not subject to the rules that He imposed to men. Halimbawa sinabi ng Diyos, "thou shalt not kill." Ibig bang sabihin hindi na pwedeng pumatay ang Diyos? Kung nauna na Niyang sinabi na huwag tayong pumatay, bakit pa niya pinapabato ang mga nangangalunya? O kung pagbabasehan natin ang Quran, bakit pa pinapapatay ni Allah ang mga unbelievers who are unwilling to submit themselves to Islam? Ibig sabihin sa aking munting pang-iintindi, hindi subjected ang Diyos sa mga rules na ibinigay Niya sa mga tao.

    Iyon nga brad ang punto ko rin dito, magkaiba kasi ang utos na huwag kang pumatay sa pagpataw ng kamatayan sa nagkakasala basi sa batas na kanyang pinaiiral, ang pagpatay o pagparusa ay hindi saklaw ng utos niyang huwag kang pumatay.

    Ang utos niyang huwag kang pumatay ay kapag inilagay mo ang batas sa sarili mong kamay, iyon po ang pagkakaalam ko sa utos na huwag kang pumatay.

    Halimbawa sa Islam ay ganito ang sabi ng Allah subhana wa taalah.

    42:39. And those who, when an oppressive wrong is inflicted on them, (are not cowed but) help and defend themselves.

    42:40. The recompense for an injury is an injury equal thereto (in degree): but if a person forgives and makes reconciliation, his reward is due from Allah. for ((Allah)) loveth not those who do wrong.

    42:41. But indeed if any do help and defend themselves after a wrong (done) to them, against such there is no cause of blame.

    42:42. The blame is only against those who oppress men and wrong-doing and insolently transgress beyond bounds through the land, defying right and justice: for such there will be a penalty grievous.

    42:43. But indeed if any show patience and forgive, that would truly be an exercise of courageous will and resolution in the conduct of affairs.

    Kung mapapansin mo diyan sa REDMARK, ay malinaw ang katwiran binanggit ng Allah, kasi may pagkakataon na hindi mo maiwasan ipagtanggol ang sarili mo at makapatay ka, ngayon itatanong mo sa sarili mo kung nagkasala ba ako ang sagot ay makikita mo diyan sa nilagyan ko ng pula.

    Kaya nga kung tatanggapin ko ang sinabi mong ang Diyos lang ang dapat na magparusa sa nagkakasala, dapat kung ganoon ay wala ng hukuman na magpaparusa sa nagkakasala, hindi ba kaibigan.

    Maraming salamat sa mapayapang pag-uusap natin na ito, gabayan sana tayong lahat ng dakilang lumikha.

    Harballah

    _________________


    click me
    avatar
    harballah
    ...
    ...

    Posts : 3016
    Join date : 2010-03-24
    Location : Jeddah, Saudi Arabia

    View user profile

    Back to top Go down

    Re: Murderous HATRED!!!

    Post by Sponsored content


    Sponsored content


    Back to top Go down

    Page 2 of 2 Previous  1, 2

    View previous topic View next topic Back to top

    - Similar topics

     
    Permissions in this forum:
    You cannot reply to topics in this forum